Tuesday, December 15, 2015

Ang Unang Sulating Pangwakas



Kalahating oras, hindi dalawang oras pa
Kay tagal ng mga wasak na sandali
Weather update, “Bayong nona”
News break, Duterte, Mar Roxas

Naubos na ang tinta
Wala pa rin ang aking sinta,
Napawi na ang uhaw
Patay na lahat ng ilaw,

Nagsarado na ang mga pinto
Ayaw ko pa rin huminto,
Tila walang bukas ang ganito
Ngunit aasa pa rin makita ang ginto,

News break, bagyong Nona nanalasa
Nagdidilim naman, nauubusan ng pag-asa,
Sawi at nagkukumahog na makaalpas
Pero teka, malapit na makalampas,

May bukas pa pala
Bakit hindi ko naalala,
Titigilan ko na, mag-iipon ng lakas
Bukas tatapusin, ang sulating pangwakas





0 comments:

Post a Comment