Tumatakbong oras, kay bagal
Tila trapik sa EDSA, kay tagal;
Unang araw sa trabaho
Alaalang di maglalaho;
Kinakabahan, natatakot ngunit lumalaban
Kailangan magbanat ng buto para sa pamilya’t at bayan;
Salamat Panginoon sa pagkakataong kumita
At magkasweldo hindi lamang sa gunita;
Ngayong araw ako ay ganap na tao
Nakakurbata kahit nagmumukhang gago;
Sapatos tilta salamin, lakad na may angas
Ito na siguro ang simula ng tagumpay na wagas;
Bukas ako’y muling babangon
Hangang dumating ang takdang panahon;
Na matapos ang dalawang taong kasunduan
At mga kakulangan tuluyang mapunan;
Ngayon kailangan ko ay pahinga
At di makakalimutan ang unang araw, unang pahina;
0 comments:
Post a Comment